-- Advertisements --
Patay na ng matagpuan sa dalampasigan ng Oahu, Hawii ang actor at professional surfer na si Tamayo Perry.
Nakita ng mga local surfer ang bangkay ng 49-anyos na actor sa bahagi ng Malaekahana Beach, North Shore ng Oahu na putol na ang braso at binti nito.
Malaki ang hinala ng mga otoridad na nilapa ito ng hindi lamang isang pating habang nagsu-surf.
Makikita pa sa ilang bahagi ng katawan nito ang bakas ng ngipin ng pating.
Dahil dito ay naglagay ng signages ang mga otoridad para hindi na maulit pa ang insidente.
Ilan sa mga pelikula na nakasama siya ay ang “Pirates of the Caribbean: On Stranger Tides” noong 2011, “Hawaiian Five-O” noong 2011 at “Blue Crush” noong 2002.