Nag-tie bilang Best Actor sina Piolo Pascual para sa pelikulang Mallari at Dingdong Dantes para sa pelikulang Rewind sa kauna-unahang Manila International Film Festival o MIFF na ginanap sa Los Angeles, California.
Muli namang naiuwi ng pelikulang Firefly ang Best Picture award. Itinanghal din ang direktor at screenwriter ng Firefly bilang Best Director at Best Screenplay. Dahil dito, tatanggap ang team ng Firefly ng 5.6 million pesos worth ng camera rental equipment para gumawa ng isang US-based feature film.
Tinanggap naman ni Star for All Seasons Vilma Santos ang ikalawa niyang Best Actress award para sa pelikulang When I Met You in Tokyo.
Si Alessandra de Rossi naman ang hinirang na Best Supporting Actress habang si Pepe Herrera naman ang Best Supporting Actor.
Ipinalabas sa Hollywood ang sampung pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival upang mas ma-promote pa ang pelikulang Pilipino sa ibang bansa.