-- Advertisements --
DAVAO CITY – Labis ang pasasalamat ng piloto ng isang spray plane matapos makaligtas sa pagbagsak ng kanyang minamahenong eroplano habang ginagawa ang routinary aerial spraying sa banana plantation sa Purok Avocado, Pangi, Maco, Davao de Oro.
Ayon kay Capt. Rotillo Fuentez, bigla na lamang na nagkaprobelam ang makina ng eroplano kaya bumagsak ito sa mga pananim na saging.
Sinasabing nasa halos 50 puno ng saging ang napinsala dahil sa insidente habang wala namang sibilya na nadamay dito.
Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng otoridad.