-- Advertisements --

Kinumpirma ni Agriculture Secretary William Dar na may 10 medicine companies na ang nangunguna sa trial test ng bakuna sa baboy bilang panlaban sa African Swine Fever (ASF).

Ayon sa kalihim, nagsimula na ang trial test ng bakuna noong April 23.

Pagtiyak pa nito na wala nang magiging sagabal sa mga ikinasang programa sa repopulation ng hog industry matapos na maperwisyo ng ASF.

Unti-unti na aniyang nasosolusyunan ang problema tungkol dito.

Mula sa 4,060 na ASF incidence noong ikatlong quarter ng 2020, naibaba na ito sa 981 incidence sa first quarter ng 2021.