-- Advertisements --

Aabot sa 18,528 ang panibagong COVID-19 infections sa bansa, ayon sa Department of Health.

Ito na ang second-highest daily case count sa Pilipinas kasunod ng all-time high na 19,441 na bagong COVID-19 ifections kahapon, Agosto 28.

Dahil sa development na ito, sinabi ng DOH na pumapalo na sa 1,954,023 ang total COVID-19 case count sa bansa, kung saan 143,221 dito ang nagpapagaling pa.

Sa bilang ng active cases na mayroon ngayon ang Pilipinas, 95.3 percent dito ang mild, 2 percent ang asymptomatic, 1 percent ang moderate, at 0.6 percent ang nasa critical condition.

Ang total recoveries naman ay tumaas sa 1,777,693 makalipas na 17,922 pang pasyente ang gumaling sa sakit.

Samantala, ang death toll naman ay tumaas sa 33,109 kasunod ng 101 na bagong fatalities.

Ayon sa DOH 205 duplicates ang inalis sa total case count.