
Tiniyak ngayon ng Philippine Coast Guard (PSG) na mapoprotektahan ang mga Filipino fisherfolks nasunod na rin ng pagdadagdag ng mga ito ng patrol vessels sa West Philippine Sea.
Kasunod na rin ito ng insidente na naganap sa Ayungin Shoal, kaya dinagdagan na ng Philippine Coast Guard Task Force Pag-Asa ang bilang ng mga patrol vessels sa West Philippine Sea.
Ayon sa Philippine Coast Guard, noon kasing Enero 9 ay itinaboy daw ng Chinese Coast Guard ang Filipino fishing boat sa Ayungin Shoal.
Pero sa kabila nito, tiniyak naman ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista at PCG Commandant Admiral Artemio Abu na ipagpapatuloy nila ang pagsunod sa rules-based approaches para masiguro ang seguridad sa Exclusive Economic Zones (EEZ) ng Pilipinas.
Sinabi rin ni Armed Forces of the Philippines Spokesperson Col. Medel Aguilar na tinututukan na rin daw ng PCG ang naturang insidente.
Ang naturang insidente ay nangyari matapos mapagkasunduan ng Manila at Beijing na mag-establish ng “direct communication line” sa sandaling mayroong naganap na maritime incidents gaya sa West Philippine Sea.
Nakatakda naman daw na lumagda ng kasunduan ang Pilipinas at China para sa ‘direct communication’ kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea.
Kung maalala, inaangkin ng Beijing ang halos lahat ng area sa pinag-aawagang teritoryo sa kabila ng international court ruling na walang basehan ang kanilang claims.
Ang Pilipinas, Vietnam, Malaysia at Brunei ay mayroong overlapping claims sa naturang mga karagatan.
Noong nakaraang buwan lamang nang ipag-utos ng Manila na palakasin pa ang kanilang presensiya matapos ang report na nagsimula na ang China na sakupin ang ilang unoccupied land features sa Spratly Islands.
Ang Taiwan ay mayroon ding inaangkin sa bahagi ng naturang karagatan.










