-- Advertisements --
RESCUE CESSNA

Posibleng nang i-airlift ang 4 na labi ng mga sakay ng bumagsak na cessna 349 plane sa bahagi ng Bulkang Mayon.

Ayon kay Mayor Carlos Irwin Baldo ng Camalig, Albay, naghahanda na ang Philippine Air Force ng pagla-land ng chopper dahil aniya posibleng i-hoist ang mga banglkay o huhulugan ng tali at hihilahin ang mga labi pataas, problema lang aniya ang masamang panahon.

Hirap pa rin kasi aniya ang retrieval team na maibaba mula sa bulkan ang mga bangkay dahil sa matatarik na lugar at maputik na lupain ng mayon.

Aniya pa, kailangan ng 10 magbubuhat kada labi kaya nagdagdag na rin ng retrieval team.

Kung gumanda ang panahon, baka umano umabot ng mga tatlong araw dahil hindi naman makakagalaw ang chopper pag gabi.

Matatandaan na Pebrero 18 nang mawala ang Cessna 340, na may sakay na piloto, co-pilot at 2 consultant.