-- Advertisements --

Inirekomenda ni Senate Sergeant-at-Arms Rene Samonte ang agarang paglilipat sa director ng Pharmally Pharmaceutical Corporation an si Linconn Ong at corporate secretary at treasurer nila na si Mohit Dargani mula Senado patungong Pasay City Jail.

Ito ay matapos na muling manindigan ang dalawang akusado na ibigay ang detalye ng lokasyon ng mga dokumento na nagsasaad sa financial statements ng kompanya.

Sa isang video message, ipinakita ni Senator Richard Gordon ang isang text message mula kay Samonte na nagsasabing tinanong din ng mga opisyal ng Pharmally ang kanilang legal counsel na si Atty. Roy Kapunan hinggil sa kung saan nakatago ang naturang mga dokumento subalit hindi rin umano niya alam kung saan ang kinaroroonan ng mga ito.

Kaya naman inirekomenda ni samonte sa liderato ng Senado na maglabas na ng transfer order kina Ong at Dargani papuntang Pasay City Jail.