Kumpiyansa ang Department of Tourism (DOT) na mas mabilis na makababawi ang sektor ng turismo sa Pilipinas kesa sa ibang tourist destinations sa ibang bahagi ng mundo.
Sinabi ni Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr. na isang patunay dito ang lumabas na ilang news article partikular sa Forbes magazine na nagsasabing isa ang Pilipinas sa top tourist destinations na gustong gustong puntahan ng mga dayuhang turista.
Ayon kay Usec. Bengzon, patunay ito na kahit may pandemya, sadyang nakapang-aakit talaga ang Pilipinas sa foreign tourists.
Maliban dito, malaki din umano ang bentahe ng bansa sa domestic-based tourism.
Sa katunayan, noong 2018 nakapagtala umano ang DOT ng 111 milyong domestic trips, indikasyon ng masidhing interes ng maraming mga Pilipinong makabiyahe kahit pa dito lamang sa loob ng bansa.