-- Advertisements --

Naka-full alert na rin ang alerto ng Philippine Red Cross (PRC) kasunod ng tumamang malakas na magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani nitong umaga ng Lunes, Hunyo 8.

Sa isang pahayag, sinabi ng PRC na pinakilos na nila ang kanilang emergency team sa ground, para suriin ang mga pinsala sa struktura at aktibong nakikipagtulungan sa emergency evacuation, assets at relief operations.

Bilang parte ng agarang pagresponde sa mga apektado ng lindol, in-activate ng PRC ang 17 Red Cross volunteers habang idineploy naman na ang mga ambulansiya sa North Cotabato, South Cotabato, at Gingoog City para asistihan ang mga apektadong komunidad at i-monitor ang sitwasyon sa ground.

Sa North Cotabato National High School, nirespondehan ng PRC ang 13 estudyante na nakaranas ng hyperventilation kasunod ng malakas na lindol.