-- Advertisements --

MANILA – Aminado ang Department of Health (DOH) na kulang ng vaccinator ang Pilipinas para sa COVID-19 vaccines at mga bakuna ng National Immunization Program.

Pahayag ito ng ahensya sa gitna ng pagdiriwang ng National Immunization Week 2021.

“This is some form of a challenge for the Philippine health system because both of our healthcare workers are catering to COVID-19 and non-COVID reponse,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

“In some places, accessing children who require vaccination maybe a challenge because of inadequacy of healthcare workers,” ani Dr. Rabindra Abeyasinghe, representative ng World Health Organization sa Pilipinas.

Ayon kay Vergeire, halos lahat ng healthcare workers na nagta-trabaho ngayon sa mga pagamutan ay nagsisilbi rin sa local government units.

Bilang tugon, pinalalakas na raw ng pamahalaan ang hiring sa mga medical frontliners. Nakikipag-ugnayan na rin umano ang gobyerno sa pribadong sektor para mapalakas pa ang pagbabakuna laban sa COVID-19.

“Hopefully we’ll be able to have that reserved cadre for the non-COVID services the people may need from DOH and local government units.”

Samantala, tiniyak naman ng Health department na may sapat na storage facility para sa mga bakuna ng bansa.

Ayon kay Vergeire, nakapaghanda na ng mga gamit at pasilidad ang pamahalaan para masigurong may paglalagyan ang mga bakuna kontra coronavirus, at mga ginagamit sa programa ng gobyerno.

“The government has prepositioned specific equipment and facilities to be able to preserve the storage capacity for regular vaccines and COVID vaccines.”

“We are confident that there is enough storage for multiple different types of COVID vaccines, and for routine immunization vaccines in the country,” dagdag ni Dr. Abeyasinghe.

Sa tala ng DOH, tinatayang 1.3-milyong kabataan, na may edad 5-anyos pababa, ang nabakunahan kontra polio mula 2019 hanggang kalagitnaan ng 2020.

Nasa 6-milyon namang kabataan din ang nabigyan ng oral polio vaccines mula Oktubre ng 2020 hanggang Marso 2021.

Habang 8.6-milyong kabataan ang nabakunahan kontra measles-rubella sa parehong panahon.