Isusulong ng mga mambabatas at party-list groups na maibalik ang Philippine history sa K-12 curriculum matapos ang naging pahayag ng aktres na si Ella Cruz na inihambing ang kasaysayan ng bansa sa chismis.
Kapwa pinunto nina Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel at ACT Teachers France Castro gayundin ng Gabriela party-list ang pangangailangan na maibalik muli ang pagtuturo ng kasaysayan ng ating bansa sa K-12 curriculum.
Kaugnay nito, inihain ni Castro ang House Bill 207 bilang bahagi sa kaniyang pangunahing panukalang batas sa 19th Congress at una sa 10 mula sa kaniyang priority bills noong Hunyo 30.
Una ng inihain ang naturang panukala sa nagdaang 18th Congress kasunod na rin sa panawagan ng mga professional organizations at advocates ng Philippine ZHistory.
Giit pa ni Castro na pinatunayan lamang muli na kailangan talaga na ibalik ang Philippine history bilang asgnatura sa sekondarya dahil sa itinuturing lamang aniya ng iilan bilang tsismis ito upang baluktutin ang kasaysayan.’
Hinamon naman ni Castro si incoming Education Secretary Sara Duterte-Carpio at ang pamahalaan na tiyakin na hindi mapagtatakpan ng curriculum ang historical revisionism at denialism ng mga pagkakamaling nakaukit na sa kasaysayan laban sa mamamayang Pilipino.
Nabatid na ang aktres na si Ella Cruz ang gaganap bilang Irene Marcos sa isang pro-Marcos film.
Una rito, binatikos ang aktres at naging rending pa sa social media matapso na ihalintulad nito ang kasaysayan ng ating bansa sa “tsismis” at iginiit na entitled ang lahat na magbigay ng kanilang opinyon at nirerespeto nito ang kanilang pananaw.
-- Advertisements --