-- Advertisements --
Plano ng Pfizer Inc na hilingin sa U.S. regulators na payagan ang isang dosis ng booster ng bakuna na COVID-19 sa susunod na buwan.
Sinabi ni Pfizer Chief Scientific Officer Mikael Dolsten na batay sa ebidensya, mas malaking peligro na may mangyaring reinfection makalipas ang anim na buwan pagkatapos maturukan ng kanilang bakuna dahil sa mas nakakahawang Delta variant.
Depensa ni Dolsten na ang Pfizer vaccine ay mabisa kontra sa Delta variant ngunit makalipas ang anim na buwan mula ng maiturok nito malamang may mangyaring reinfection at mild disease.
Nauna ng nakatanggap ang Pfizer ng ulat mula sa Israel na bumaba sa 64% ang effectiveness ng kanilang bakuna sa pagpigil sa impeksyon at symptomatic disease ng virus.










