Naitala ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang pagtaas ng mga investment sa Pilipinas mula Enero hanggang sa kalagitnaan ng Oktubre, 2023.
Batay sa report ng PEZA, naitala ang pagtaas na hanggang 232% ng mga investment hanggang nitong kalagitnaan ng Oktubre, 2022.
Katumbas ito ng P131.76 billion, kumpara sa P39.61 billion na naitala ng PEZA noong nakalipas na taon.
Ayon kay PEZA director-general Tereso Panga, ang naturang halaga ay 85% na ng kabuuang P154 billion na target ng pamahalaan para sa taong ito.
Ito ay mas mataas ng sampung porsyento kumpara sa target nito noong 2022.
Umabot na kasi aniya sa 169 na proyekto ang naitala ng PEZA ngayong taon na mas mataas kumpara sa 148 na proyekto noong nakalipas na taon. Ang mga naturang proyekto ay inaasahang makakapag-ambag ng hangang P3billion na halaga ng export at inaasahang makakapagbigay ng trabaho para sa 28, 521.
Ngayong buwan ng Oktobre, nagawa rin ng PEZA na apprubahan ang P20.55 billion na halaga ng investment para sa 25 na proyekto sa bansa.
Inaasahan ng ahensiya na magbibigay ito ng $643 million na halaga ng export at makakapagbigay ng 5,500 na trabaho para sa mga Pilipino.