ALYAS BIKOY JOEMEL ADVINCULA

Nakalaya na si Peter Joemel Advincula na umaming nasa likod ng Bikoy videos na nagdadawit sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa transaksiyon ng iligal na droga.

Dakong alas-8:25 kaninan nang ma-discharge si Advincula matapos maglagak ng piyansang P25,000 dahil sa mga kinahaharap na kasong estafa.

Una rito, dinala sa Philippine National Police General Hospital si alyas Bikoy matapos tumaas ang kanyang blood pressure.

Dinala muna tio sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) office para sa processing at final checkup.

Maayos naman umano ang kalagayan ni Advincula bago ito pinalaya kanina.

Huwebes nang lumutang si Advincula at binaliktad ang una nitong pahayag at idinawit naman si Sen. Antonio Trillanes IV at Liberal Party (LP) na siya umanong nasa likod ng naturang mga video.

Mariin naman itong itinanggi ng partido Liberal maging si Sen. Trillanes.