DAVAO CITY – Nakakulong ngayon sa San Pedro Police station ang isang miyembro ng Bureau of Corrections na nahaharap sa kasong estafa.
Nakilala ang suspek na si CO1 Maria Corazon Aquino Balsomo, 36 anyos.
Nahuli ang suspek base sa inilabas na warrant of arrest ng korte dahil sa kaso na isinampa laban sa kaniya.
Sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad, nadestino si Balsomo sa Davao Penal Farm and Colony.
Una ng isinagawa ang operasyon ng mga personahe ng Regional Highway Patrol Unit 11 at San Pedro Police Station sa Tadeco Road, Santo Tomas, Davao del Norte.
Sinasabing modus ng suspek ang rent tangay, rent sangla, pasalo, assume balance ug marami.
Sinasabing lolokohin nito ang kanilang mga kliyente sa pamamagitan ng pag-release ng mga unit na kuwestiyonable.
Nasa kustodiya ngayon ng San Pedro Police Station ang suspek.