-- Advertisements --

Pansamantalang itinigil ang paggawa ng pelikulang Tomb Raider matapos na magtamo ng sugat ang bidang actress na si Sophie Turner.

Gaganap si Turner bilang si Lara Croft sa nasabing pelikula subalit pansamantala itong naantala.

Sinabi ng production crew na nagtamo lamang ng minor injury ang Game of Thrones star.

Paglilinaw nila na natamo nito ang sugat sa labas ng set.

Hindi naman binanggit kung hanggang kailang matitigil ang nasabing paggawa ng pelikula.