-- Advertisements --
Nanguna ang pelikulang ” Oppenheimer” sa may maraming nominasyon sa BAFTA Film Awards.
Ang nasabing pelikula ni Christopher Nolan ay nakakuha ng 13 nominasyon.
Kabilang na dito ang best actor na si Cillian Murphy na gumanap bilang si J Robert Oppenheimer ang nag-imbento atomic bomb.
Pumangalawa naman ang pelikulang “Poor Things” na mayroong 11 nominasyon habang ang “Killers of the Flower Moon” at “The Zone” ay kapwa mayroong siyam na nominasyon.
Ang itinuturing na matinding katunggali ng pelikulang “Oppenheimer” na “Barbie” ay mayroon lamang limang nominasyon.