-- Advertisements --

Nanguna ang pelikulang “Everything Everywhere All At Once” sa may pinakamaraming nominasyon sa Academy Awards o Oscars.

Ang nasabing pelikula na pinagbibidahan ni Michelle Yeoh ay nominado rin sa best picture.

Makakatunggali nito sa best picture ang pelikulang “Top Gun: Maverick”, “Avatar: The Way of Water” at “The Banshees of Inisherin”.

Nagtabla naman sa pangalawang puwesto ang pelikulang “All Quiet on the Western Front” at “The Banshees of Inisherin” na mayroong siyam na nominasyon at pangatlo ang pelikulang “Elvis” na mayroong walo.

-- Advertisement --