-- Advertisements --

Inihayag ng Partido Demokratiko Pilipino na kanilang planong dumulog sa Kataas-taasang Hukuman para maghain ng petisyon ukol sa naganap na botohan nagpabago sa liderato ng senado. 

Sa opisyal na pahayag ng partido mula kay National Deputy Spokesperson Atty. Ferdinand Topacio, kanyang ibinahagi ang kanilang planong maghain ng kaso sa Korte Suprema. 

Bgama’t wala pang tiyak na petsa kung kailan, aniya’y pipilitin ng grupo na makapaghain ng petisyon sa Kataas-taasang Hukuman sa lalong madaling panahon. 

Layon raw nila sa gagawin aksyon na mapagtibay at maipagtanggol ang Saligang Batas kontra sa mga senador na kaisa sa naganap na botohan kahapon. 

Naniniwala kasi ang partido na hindi umano tama ang katwiran na sapat ang bilang na labingdalawang senador para makapagbotohan at palitan ang liderato. 

Giit nila’y ang nakasaad umano sa batas ay kinakailangan labintatlo ang numero ng mga senador para ligal na makapaghalal at magkaroon ng pagpapalit sa liderato ng seando. 

Paninindigan ng PDP na kahit pa may absent, iniindang sakit, nakapiit o nasa ibang bansa ang mga senador, labingtatlong bilang pa rin ang kinakailangan para makapagbotohan.