-- Advertisements --
image 231

Pormal ng humiling ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Amerika para tumulong sa paglilinis ng tumagas na langis sa karagatan ng Oriental Mindoro.

Ayon kay Coast Guard commandant Admiral Artemio Abu, mas maraming karanasa at kaalaman na ang Amerika pagdating sa naturang isyu.

Saad pa ng Coast Guard chief na maraming mga bansa ang nagkusang tumulong sa bansa para ma-contain ang tumagas na langis sa gitna ng ginagawang puspusang clean up na target matapos ng less than 4 months.

Sa ngayon, kailangan aniya ng karagdagang remote-operated vehicles matapos na matukoy ang eksaktong lokasyon ng lumubog na oil tanker.

Nagpahayag na rin ang South Korea na bukas ito na tulungan ang bansa para malinis an tumagas na langis.

Habang nakikipagtulungan na sa ngayon ang Japan sa efforts ng Pilipinas na ma-contain ang oil spil