Matagumpay na nailigtas ng mga tauhan ng Coast Guard Station Surigao del Norte ang dalawa sa anim na nawawalang mangingisda noong pang March 1 sa may bahagi ng Bohol Sea.
Ang mga ito ay mula sa Surigao City at nasa maayos ng kalagayan sa ngayon.
Kinilala ang mga ito na sina Joseph Mapalo, 35 anyos residente ng Barangay Cagniog, at Jesmar Besing, 36 anyos ng Barangay San Juan sa lungsod ng Surigao.
Sila ay unang nagtagpuan ng FBCA Golden Top 888 fishing banca ng dumaan ito sa bahagi ng Bohol Sea at Siquijor province.
Ito ay kaagad na ipinagbigay alam sa mga tauhan ng PCG sa nasabing lugar .
Agad naman na rumesponde ang Coast Guard Station Surigao del Norte, Coast Guard Mobile Team Surigao City, Coast Guard Special Operations Group – Northeastern Mindanao, Coast Guard Baywatch Patrol Unit – Northeastern at mga tauhan ng CDRRMO, Surigao City.
Una nang naiulat na pumalaot ang mga ito mula sa Barangay Canlanipa, Surigao City alas 5:00 ng hapon noong Feb. 28 patungo sa Limasawa Island.
Pebrero 28 ng hapon ng hapon ng makaranas ito ng malalaking alon sa karagatan ng San Ricardo, Southern Leyte na naging dahilan upang masira ang kanilang sinasakyang bangka.
Ayon naman sa Coast Guard Station Surigao del Norte na patuloy pa rin nilang hinahanap ang apat na nawawalang mangingisda .
Kinilala ang mga ito na sina Timothy Codillo, Julieben Edranan, Alan Solitario at Marcelo Doblas Jr.
Samantala, nabigyan na rin ng medikal na atensyon ang dalawang mangingisdang nasagip ng PCG.