-- Advertisements --

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbuhay muli sa Jones Bridge na layong pagyamanin ang kasaysayan, kultura at kabuhayan a Binondo sa Maynila.

Kasama ng Pangulo si First Lady Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos na pinangunahan ang ceremonial lighting ng iconic Jones Bridge.

Ito ay bahahi ng pagdiriwang ng ika -50th anniversary sa diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang nasabing proyekto y bahagi ng Chinatown Revitalization Project na naglalayong gawing mas ligtas, mas bukas at mas maunlad ang makasaysayang distrito para sa mga pamilya, manggagawa at mag-aaral at maliliit na negosyo.
“We will transform Binondo into a place that we can always return to. From the old Manileños to the first-time visitors, lahat welcome dito,” wika ni Pang. Marcos.

Ipinagmalaki din na inulat ng Pangulo na simula kahapon matutunghayan g publiko ang lingguhang lights and sounds show sa iconic Jones Bridge.

Naging matagumpay ng nasabing proyekto sa pamamagitan ng fundraising initiative ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII).

Sinabi ng Pangulo na bahagi ito ng kaniyang adhikain na ibalik ang historic districts.

Hinikayat ng Pangulo ang publiko particular ang mga kabataan na bisitahin ang Binondo para kanilang maranasan ang kultura at economic activities sa nasabing lugar.

“Because how can we know our history and culture if we do not know and experience them ourselves? So, I encourage everyone, especially the younger people, to visit Binondo. Come back to Ongpin, Escolta, Carvajal, and the streets that have yet to be discovered and celebrated,” pahayag ng Pangulong Marcos.