-- Advertisements --

Hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamahalaan ng Canada na gawing malinaw at transparent ang bagong patakaran nito sa migration upang malaman ng mga Pilipinong nasa Canada ang kanilang kasalukuyang status.

Ayon sa Pangulo, nabawasan ang quota para sa mga Pilipinong manggagawa at may ilang bahagi ng bagong batas na hindi pa malinaw. 

Aniya, hindi siya humihiling na baguhin ng Canada ang kanilang batas kundi nais lamang na maging malinaw ang mga tuntunin.

Sinabi rin ni Marcos na nakausap niya ang ilang Pilipinong matagal nang naninirahan at nagtatrabaho sa Canada, kaya mahalagang matiyak na hindi maaapektuhan ang kanilang katayuan. 

Dagdag pa niya, makatutulong ang malinaw na patakaran upang makapag-adjust din ang Pilipinas sa mga bagong regulasyon ng Canada.

“ The reason that we spoke about that is that there has been a change in the law here in Canada when it comes to the migration. To begin with, the quota for Filipino workers has been lessened. But there are still areas of the new law that are unclear to us. And that’s really what I can say. Of course, it would be highly improper for me to suggest any changes in another country’s law,” pahayag ni Pang.Marcos.

Dagdag pa ng Punong Ehekutibo, “All we were asking is that to make very clear and very transparent exactly what the rules are, so that the Filipinos here who are already in Canada know their status. We just want to make sure they have been here.”