-- Advertisements --
Magsisimula sa buwan ng Abril ang Parokya ni Edgar Musical.
Ang nasabing musical ay pinamagatang “Buruguduystunstugudunstuy: Ang Parokya Ni Edgar Musical”.
Gaganapin ito sa Full House Theateer Company sa Newport World Resorts.
Ito aniya ay tungkol sa apat na kababaihan na naharap sa iba’t-ibang hamon sa buhay hanggang sila ay magtagumpay.
Unang inanunsiyo ang nasabing musical noong pang Hulyo 2023 kasabay ng pagtatapos ng “Ang Huling El Bimbo” musical.
Noong Setyembre ay ibinahagi ng frontman ng banda na si Chito Miranda ang magiging titulo ng nasabing musical.