-- Advertisements --

Inanunsiyo ng media personality at negosyanteng si Paris Hilton na isa na siyang ina.

Isinilang ng 41-anyos na si Hilton ang anak nila ni Carter Reum sa pamamagitan ng surrogate.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan ng hawak lamang ang kamay ng bagong silang na anak.

Dagdag pa nito na matagal na nilang plano ng kaniyang asawa na bumuo ng pamilya.

Mula ng ikinasal sila noong nakaraang taon ay labis ang kasabikan nilang bumuo ng pamilya.