-- Advertisements --

Pinatulan na ni Paris Hilton ang mga online bashers sa bumabatikos sa kaniyang anak.

Sa kaniyang social media ay ipinakita ang anak na si Phoenix para patunayan na walang deperensiya ito.

Natural lamang ang laki ng ulo dahil sa malaki umano ang utak at normal naman ito base sa kaniyang doctor.

Binabatikos kasi ng ilang mga bashers nito na hindi normal ang laki ng ulo ng anak ng supermodel.

Magugunitang noong Marso ng ipakilala ni Paris ang anak nila ng asawang si Carter Reum.