-- Advertisements --

LA UNION – Ipinamamalaki ng Simbahan Katolika ang pagkakapasa sa Bar Examination ni Father Victor V. De Guzman, 54-anyos, tubong Cainta Rizal, at assistant parish priest ng St. Nicolas Church sa bayan ng Balaoan, La Union.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Nolan Nabua, parish priest ng St. Michael de Archangel sa bayan ng Bacnotan, sinabi nito na apat ang naging kurso ni Father Togz.

Graduate aniya si Father Togs ng Civil Engineering sa University of Sto. Tomas, at nagtapos bilang cum laude at naging number 2 pa sa board exam.

Naging summa cum laude rin si Father Togs sa Philosophy at Theology sa Ateneo.

Pagkatapos nito ay naging personal secretary at consultant si Father Togs Bishop Rodolfo Beltran.

Isinama ito ni noon ay Bishop Beltran sa La Union at siya ang tagagawa sa mga project na ipinapatayo ng simbahan. Nagturo rin ito semenaryo sa lalawigan.

Habang ginagawa nito ang trabaho bilang pari, kumuha ito ng law course sa Saint Luis College sa ciudad ng San Fernando hanggang sa makapasa sa BAR.

Ayon pa kay Father Nabua, di umano ay pinapakuha rin ito ni Bishop Daniel Presto ng Canon Law si Father Togz.

Ayon pa sa nakalap na impormasyon ng Simbahan Katolika si Father De Guzman ang designer ng Shangri-La Hotel.