-- Advertisements --
motorcycle riders1

Iniulat ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Romando Artes na walang pumabor sa panukalang shared lanes ng motorsikli at bisiklita sa kahabaan ng EDSA.

Ito ay matapos ngang mabigong mgkasundo ang motorcycle riders at grupo ng mga siklista sa naturang panukala sa ginanap na pagpupulong.

Nagbunsod ang naturang panukala dahil na rin sa maraming mga motorsiklo ang pumapasok sa exclusive bike lanes sa kahabaan ng EDSA at hindi gaanong napapakinabangan ng mga siklista.

Kung kayat pag-aaralan ng ahensiya ang ilan sa posibleng options.

Kabilang na sa alternatibong plano ng MMDA ay ang posibleng pag-elevate sa walkway o bike lane na layong maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa EDSA.

Una rito, umaabot sa 160,000 motorsiklo ang bumabaybay kada araw sa EDSA kung saan malaking bilang nito ay gumagamit ng bike lanes

Samantala, nahuli kamakailan ng MMDA ang humigit-kumulang 1,500 violators na mga motorista na nasa bike lane.