-- Advertisements --

Isinalang na sa House Committee on Health ang mga panukala para obligahin ang mga food service establishment o mga restaurant na lagyan ng nutritional information ang kanilang mga pagkain.

Sa pagdinig ng komite, tinalakay ang siyam na panukalang batas na hangad maiwasan ang obesity at ang mga pagkaing nakasasama sa kalusugan ng tal. 

Iginiit ng chairman ng komite na si Quezon Rep. Angelina Tan ang kahalagahan na nakikita ang calorie at nutritional information ng pagkain para mabantayan ang dyeta ng bawat indibidwal.

Sa ganong paraan ay  aniya ng mas matalino at malusog na food choices ang publik, na nakikitang makatutulong upang sa gayon ay maiwasan ang chronic diseases tulad ng sakit sa puso at diabetes.

Sa ilalim ng naturang mga panukala, inoobliga ang mga food establishments na ipakita sa customers ang kabuoang dami ng calories, carbohydrates, saturated fat, protina, asin, at iba pang mahalagang impormasyon tungkol sa kanilang mga pagkain.