Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang panukalang batas na nagpapalawig sa hanggang anim na taon sa mga termino ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan Officials mula sa dating tatlong taon.
Sa ginawang botohan ay mayroong 153 na mga kongresista ang nag-apruba sa House Bill 11287.
Mayroong apat naman na kongresista ang hindi pumabor at isa namana ng nag-abstain.
Nakasaad din sa panukalang batas na ang synchronized Barangay at SK elections ay gaganapin tuwing anim na taon sa ikalawang Lunes ng Mayo simula sa taong 2029.
Wala ding mga elective barangay officials na magsisilbi ng mahigit dalawang magkasunod na termino sa parehas na posisyon.
Habang walang Sangguniang Kabataan official ang magsisilbi ng mahigit sa isang termino.
Ang nasabing panukalang batas ay iniakda ni House Speaker Martin Romualdez at ilang lider ng Kamara.