-- Advertisements --

Nakatakdang magpatupad ang mga kumpaniya ng langis ng panibagong taas-presyo sa mga poduktong petrolyo sa susunod na linggo.

Base sa inisyal na pagtaya, posibleng tumaas ng P17 hanggang P20 kada litro ng diesel habang P4 hanggang P7 ang inaasahang umento sa gasolina.

Sa kerosene naman, tinatayang magtataas ng P9 hanggang P12 kada litro.

Ito ay inisyal na pagtaya pa lamang at ang opisyal na price adjustment ay iaanunsiyo sa araw ng Lunes, Abril 6 at magiging epektibo sa araw ng Martes, Abril 7.

Maaari ring magbago ang mga presyo bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.