Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na may panibagong pagtatangka umanong mabuo para sa pagpapalit ng liderato sa Senado, habang nagpahayag ng suporta ang minority bloc kay SEN Sherwin Gatchalian bilang posibleng bagong Senate president.
Ayon kay Lacson, posible pa ring magkaroon ng panibagong leadership change dahil manipis lamang umano ang kasalukuyang mayorya ni SP Alan Peter Cayetano na may 13 miyembro.
Sinabi rin niya na napagkaisahan ng kanilang grupo si Gatchalian bilang kompromisong kandidato at aniya’y katanggap-tanggap ito sa mga senador na maaaring lumipat ng suporta.
Matatandaang napalitan kamakailan si SEN Tito Sotto bilang Senate president matapos makakuha ng sapat na boto ang grupo ng mga senador na sumuporta kay Cayetano sa naging pagbabago ng liderato sa Senado. (Report by Bombo Jai)
















