-- Advertisements --
Naghain muli ang Department of Foreign Affairs ng panibagong diplomatic protest laban sa bansang China.
Kasunod ito ng panibagong panghaharass ng Tsina sa mga barko ng Pilipinas.
Partikular ang muling paggamit ng water canon ng China Coast Guard sa resupply vessel ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.
Kinundena rin ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang anila’y mapanghamon na naman na pagkilos ng China sa Ayungin Shoal.
Sa kabuuan,58 diplomatic protests na ang naihain ng Pilipinas laban sa China.