-- Advertisements --
Asahan ang panibagong bawas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy, na base sa nagdaang apat na araw na trading ay bumaba ang presyo ng langis sa world market.
Inaasahan na magbabawas ng mula P1.40 hanggang P1.70 sa kada litro ng gasolina.
Habang ang diesel ay maglalaro mula P0.90 hanggang P1.20 sa kada litro ng diesel at ang kerosene ay mayroong P1.50 hanggang P1.70 sa kada litro.
Sa araw ng Lunes ay malalaman kung magkano ang bawas presyo na kadalasang ipinapatupad sa araw ng Martes.