-- Advertisements --

Daan-daan pang mga OFW ang balik na rin ng Pilipinas mula sa Saudia Arabia.

Dumating kagabi ang magkasunod na flights sa NAIA, kabilang na ang isang chartered flight ng DFA.

Kabuuang 365 na mga repatriates ang sakay ng dalawang eroplano na karamihan ay nawalan ng trabaho dahil sa krisis sa pandemya.

Tiniyak naman ng DFA na magpapatuloy ang kanilang commitment na paghahatid sa mga kababayan na nagmula sa ibang bansa.