-- Advertisements --
Nakatanggap na ng Gold Play Button mula sa YouTube si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa social media account ng pangulo ay tinanggap nito ang nasabing Gold Play plaque na itinuturing niyang isang magandang regalo ngayong panahon ng Pasko.
Pinasalamatan ng Pangulo ang mga supporters at subscribers ng kaniyang Bongbong Marcos YouTube Channel.
Ibinibigay ang Gold Play Button sa mga YouTube accounts na mayroong 1 milyong subscribers.
Sa kasalukuyan ay mayroong mahigit 2.72 milyon subscribers na ang YouTube account ng pangulo.
Aabot na rin sa mahigit 136 milyon views ang ito mula ng gawin ang channel noong Nobyembre 11, 2009.