-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Umapela sa publiko ang pamilya ng hazing victim na Philippine Military Academy (PMA) Cadet 4CL Darwin Dormitorio na itigil angpagpapakalat sa social media ng larawan nito.
Ayon sa kapatid ng biktima na si Dexter, hindi natutuwa ang kanilang pamilya sa patuloy na paglipana ng larawan ng namatay na kapatid online.
Masakit daw kasi, lalo na para sa kanilang magulang ang nangyari.
Naniniwala ang pamilya Dormitorio na hindi lang isa ang utak sa pagpapahirap sa kanilang namatay na kaanak.
Umaasa naman ang mga naulila na mabilis matutukoy ang mga salarin.