-- Advertisements --

ILOILO CITY – Unti-unti nang nakakahinga nang maluwag ang pamilya ni Claire Diergos, ang negosyanteng pinatay at natagpuan na lamang sa loob ng kanyang sasakyan sa Sta. Barbara, Iloilo noong nakaraang taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Cleofe Billagoniza, kapatid ni Claire, sinabi nitong lalo silang desididong makamit ang hustisya matapos pinangalan ang mga suspek sa kaso na kinabibilangan nina Former San Dionisio Mayor Peter Paul Lopez, asawa na na vice-mayoralty aspirant na si Saliha “Sally” Lopez, at anak na sina Carlos Paul Lopez at Felix Paul Lopez.

Ayon kay Cleofe, kung totoo man na ang pamilya Lopez ang responsable sa pagpatay sa kanyang kapatid, umaasa ito na mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Claire at maging sa ibang tao na posibleng naagrabyado din ng naturang pamilya.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang preliminary investigation at hinihintay ng respondents ang subpeona mula sa nag-iimbestigang piskal.

Matandaang Oktubre 26 noong nakaraang taon nang matagpuang naagnas na ang bangkay ni Claire sa loob mismo ng kanysang sasakyan sa Barangay Inangayan, Santa Barbara, Iloilo.