-- Advertisements --

Nakauwi na sa Pilipinas si Michelle Marquez Dee nitong Sabado ng gabi, Nobyembre 25, matapos ang pagsabak sa 72nd Miss Universe na ginanap sa El Salvador.

Sa kanyang pagdating sa airport, mainit itong sinalubong ng kanyang inang si Ms. Melanie Marquez, kasama si Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup-Lee at ng mga fans.

Matatandaang natapos ang journey ng Pinay beauty queen sa ginanap na Miss Universe bilang Top 10 finalist.