-- Advertisements --

Humingi ng pagdarasal si Hannah Arnold ang pambato ng bansa sa Miss International pageant.

Sa kaniyang social media sinabi ng Masbate beauty queen na mahalaga ang pagdarasal para mahigitan nito ang 68 na iba pang mga kandidata.

Pinaalalahanin din nito ang mga fans na huwag kalimutang bumuto.

Kinoronahan si Hannah bilang Binibining Pilipinas International noong Hulyo 2021 subalit noong Agosto 2021 ay ipinagpaliban ang 60th pageant ng Miss International dahil sa banta pa rin ng COVID-19.

Nitong Mayo ay inanunsiyo ng organizer ng pageant na gaganapin na ito sa Disyembre sa Tokyo, Japan.