-- Advertisements --

Iginiit ng Malacañang na nakasaad sa batas na ang pagbubukas ng klase sa bansa ay hindi dapat lalagpas sa buwan ng Agosto kada taon.

Tugon ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pagsali ni Vice President Leni Robredo sa mga panawagang dapat ire-schedule ang class opening para mabigyan ng sapat na panahon ang mga guro na maghanda sa mga alternatibong paraan ng pagtuturo.

Una ng itinakda ng Department of Education (DepEd) sa Agosto 24 ang pagbubukas ng kalase.

“As far as the actual date of classes, may batas po ‘yan [Republic Act 7797]. We have to comply with the law which is the last week of August. Unless Congress will pass a law providing that we could open on a later date,” ani Sec. Roque.