Dumistansya ang Malacañang sa kinasasangkutang kaso ngayon ng tatlong opisyal ng simbahan ng Kingdom of Jesus Christ ni Pastor Apolo Quiboloy.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung totoo man ang impormasyong ni-raid ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang simbahan ni Pastrol Quiboloy sa Los Angeles at dalawang iba pang lugar sa Hawaii kung saan inaresto umano ang tatlong lider sa kasong human trafficking, hindi aniya manghihimasok dito ang Malacañang.
Ayon kay Sec. Panelo, kung mapatutunayang nagkasala ang tatlo, dapat lamang na sumunod ang mga ito sa batas US.
Nirerespeto umano ng Pilipinas ang mga batas sa Amerika gaya ng kagustuhan din nating irespeto nila ang ating sariling batas.
Hindi naman umano maaaring magreklamo ang Pilipinas lalo na kung lehitimo ang raid sa simbahan.
Ang Kingdom of Jesus Christ ay pinamumunuan ni Aastor Apollo Quiboloy na kilalang matalik na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte.