Kailangan muna nang pahintulot mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago ipalabas ang tax records nina Vice President Sara Duterte at kaniyang mister na si Atty. Manases Carpio sa impeachment trial.
Nakasaad sa Section 71 ng National Internal Revenue Code na kailangan nang apruba ng pangulo bago masuri ang alinmang tax documents.
Ginawa ang pahayag ni Atty. Kim Henares, na nagsilbing dating Commissioner ng Bureau of Internal Revenue sa impeachment trial noon ng pumanaw na si chief justice Renato Corona.
Aniya, nakasaad sa tax code na may otoridad ang mismong commissioner ng BIR na hilingin ito sa Pangulo.
Sakali aniyang ipa-subpoena ang BIR commissioner, siya ang hihiling ng awtorisasyon sa Pangulo.
Inalala ni Atty. Henares na noong trial ni Corona, nag-isyu ng subpoena ang Senate impeachment court sa BIR para sa pagpapalabas ng income tax returns ng dating mahistrado at ilan sa kaniyang mga kaanak.
Nagawa aniya umano ni Henares na mailabas ang tax records dahil humiling siya ng approval mula kay dating Pangulong Benigno Aquino III.
Nag-ugat ang isyu sa pagpapa-subpoena sa tax kasama na ang bank records ng bise presidente para suportahan ang mga akusasyon laban sa kaniya sa ilalim ng Article II ng Articles of Impeachment.















