-- Advertisements --

Ipinanukala ng isang mambabatas ang pagtatag ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa Surigao del Norte para protektahan ang Philippine Rise.

Ayon kay Suriga Del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers na kailangang maprtektahan mula sa posibleng intruders ang PH rise na mayaman sa mineral tulad ng WPS na paulit-ulit na pinanghihimasukan ng China.

Sinabi din ng kalihim na kulang ng sapat na security at proteksiyon at subject sa intrusions ng China at iba pangh dayuhan ang eastern seaboard ng PH na nagiging lagusan din ng mga barkong nagpupuslit ng iligal na droga papasok ng Pilipinas.

kayat ayon kay barbers na chair din ng House Committee on dangerous drugs na mayroong urgent need para i-secure ang Surigao del norte mula sa mga drug smuglers at foreign intruders.

Pinuri din ng kongresista si Defense Sec. Gilbert Teodoro Jr para sa pagtatag ng naval detachment sa Aurora para protektahan ang sovereign rights ng bansa sa may PH Rise.

Ang Naval dtachment sa Aurora ay bahagi ng Comprehensive Archpelagic Defense Concept ng bansa.