-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Isang petition letter ang ipinapalibot sa mga residente ng isang barangay sa lalawigan ng Aklan upang tutulan ang balak na pagpapatayo lĺa sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Numancia, Aklan ang pabor sa naturang proyekto.

Ang crematorium ay itatayo sana sa likurang bahagi ng Badio cemetery na malapit sa kabahayan, kung saan, karamihan sa mga residente kasama ang katabing barangay ng Poblacion at Dongon East ay nangangamba na makakaapekto ito sa kanilang kalusugan at kapaligiran.

Samantala, sinabi ni Badio punong barangay Victor Crispino na inimbitahan niya ang may-ari ng crematorium para sa gagawing public hearing.

Dagdag pa nito, isa sa kanyang ilalatag na kundisyon na kapag magdulot ng masamang epekto ang naturang pasilidad ay agad nitong ipapahinto ang operasyon.

Nangangamba ang mga residente sa usok na ibubuga nito at ang lokasyon na tatayuan.

Nabatid na nakakuha na ng kaukulang permit at iba pang dokumento ang JustRod Crematorium mula Calasiao, Pangasinan para sa itatayong crematory.