-- Advertisements --

Susubukang harangan ng mga senador ang anumang pagtatangka na magsingit ng probisyon sa 2021 General Appropriations Act kung saan papayagan ang Commission on Election (Comelec) na tanggalin ang tests at certification para sa seguridad ng mga equipment na gagamitin sa automated polls.

Una nang nagbanta sina Senate President Vicente Sotto III at Senate Minority Leader Franklin Drilon hinggil sa kanilang natanggap na impormasyon na di-umano’y sinusubukan daw na maglagay ng probisyon para payagan ang Comelec na tanggalin ang safeguards sa procurement ng mga makina at materyales sa ilalim ng Automated Election Law.

Ayon kay Sen. Sonny Angara, inatasan siya nina Sotto at Drilon na bantayan ng mabuti ang natrurang panukala bago ratipikahan ng Kongreso ang budget ng Comelec.

Pangungunahan ni Angara ang 12-member Senate panel sa bicameral deliberation ng 2021 national budget bukas.

Tulad ni Angara ay tutol din sa nasabing probisyon si Senate Commitee on Electoral Reforms chairperson Imee Marcos. Wala aniya siyang impormasyon kung sino ang author nito peo hindi umano ito sang-ayon sa mangyayari,