-- Advertisements --

Kinumpirma ng grupo ng mga supermarket owners na malaki ang epekto ng pagtaas ng presyo ng halaga ng petrolyo sa halaga ng mga delata at iba pang produkto.

Tinukoy ng grupo ang posibleng pagtaas sa presyo ng delata, processed foods kabilang na ang mga inumin.

Partikular na nakakaapekto ang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa distribution cost ng mga produkto.

Ayon sa Philippine Amalgamated Supermarkets Association, ang distribution cost ay ipapasa naman ng kanilang mga distributor dahilan para magpataw sila ng dagdag sa halaga ng kanilang produkto.

Sinabi ng grupo na nakadepende sa mga supermarkets owners kung magkano ang kanilang ipapataw na dagdag presyo.

Maaalalang nagkaroon ng big-time price hike sa mga produktong petrolyo noong Martes dulot ng tensyon sa Middle East .