Binuwag na ng Joint Task Force (JTF) – Central ang pinaghihinalaang training camp at isang bomb-making site ng mga natitirang miyembro ng Maute group sa Marogong, Lanao del Sur.
Maraming mga armas at mga nakuha at nakumpiska sa isinagawang operasyon.
Mahigpit na binabantayan ng mga militar ang mga exit areas ng bayan habang hinahabol nila ang nasa 40 natitirang miyembro ng Maute group.
Kung maaalala, noong Agosto, inaresto ang isang umano’y miyembro ng grupo at dalawa sa kanyang mga kasamahan sa Marantak, Lanao del Sur.
Kinilala ang mga suspek na sina Mastura Disomala, 43-anyos, Samen Speaks, 23-anyos at Moca Giambal.
Una na rito, noong October 2017, idineklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ang Marawi City ay napalaya na mula sa Islamic State-inspired Maute group matapos ang limang buwang pagkubkob na nagresulta sa mahigit 1,000 pagkamatay na mga miyembro nito.