-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Binatikos ng oposisyon ang mistulang pagpuna ni Pangulong Rodrigo Duterte sa audit report ng Commission on Audit (COA) sa P67.3 bilyon na unonligated funds ng Department of Health.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Albay 1st District Rep. Edcel Lagman, mariin nitong kinontra ang ginawa ng Pangulo lalo pa at tinutupad lamang umano ng COA ang kanilang tungkulin na pagsilip kung papaano ginagamit ang mga pondo ng gobyerno na mula sa buwis ng mga Pilipino.

Pinaalalahanan ng Kongresista si Duterte na isang independent commission ang COA, na hindi maaaring pakialaman ng sinumang opisyal kahit pa ng mismong pangulo.

Nakakadismaya rin umano ang inasal ng Pangulo patungkol sa isyu lalo pa’t isa rin itong abogado na dapat na alam na ang legal na basehan ng ginagawa ng COA.